^

PSN Palaro

San Juan nakauna sa Davao Occidental

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kahit sa teritoryo ng kalaban, patuloy ang ratsada ng San Juan Knights matapos itakas ang 84-74 panalo kontra sa Davao Occidental Tigers upang angkinin ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five National Finals series sa 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup noong Huwebes ng gabi sa Davao City Recreation Center.

Humataw ang da­ting Ginebra player na si John Wilson ng 21 puntos kabilang ang tatlong triples na may kasama pang walong rebounds, tatlong assists, apat na steals at isang block para biguin ang Davao Tigers sa harap mismo ng kanilang mga fans.

Tumulong din ang da­ting PBA standout na si Mac Cardona ng 16 puntos, pitong rebounds, limang assists, dalawang steals at isang block habang 11 puntos naman mula kay Ryan Michael Ayon Ayon upang humakbang ang isang paa sa kampeonato.

Hangad  ng Knights ni coach Randy Alcantara na sundan agad ang panalo sa muling paghaharap sa Game 2 ngayong araw sa Rizal Memorial College gym sa Davao City pa rin.

Hawak ng Davao Occidental Tigers ang home court advantage sa serye bilang Southern Division champion laban sa N­orthern Division third seed Knights kaya pagkatapos ng Game 2 tutuloy ang serye sa FilOil Flying V Center sa San Juan City para sa Game 3 sa Martes.

Magpapahinga lamang ng mahigit isang linggo ang serye para sa Holy Week at babalik sa Abril 22 para sa Game 4 sa FilOil Flying V Center pa rin.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with