^

PSN Palaro

Scorpions dumiretso sa Singko

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mabilis na pinatumba ng Centro Escolar University ang CD14 Designs-Trinity University of Asia, 93-69 upang manatiling malinis ang rekord nito sa 2019 PBA D-League kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Halimaw si Senegalese big man Maodo Malick Diouf na kumana ng impresibong 27 points, 18 rebounds at apat na blocks  para buhatin ang Scorpions sa ikalimang sunod na panalo at mapatatag ang kapit sa solong pamumuno sa Foundation Group.

Gumawa rin ng ingay si Jan Formento na umiskor ng 17 puntos mula sa 6-of-8 field goal shooting habang nagdagdag sina Judel Fuentes at Pierce Chan ng tig-13 markers para sa Scorpions.

 Pinangunahan ni D­iouf ang ratsada ng Scor­pions kung saan nakuha ng kanilang tropa ang 31-15 first quarter lead na umabot pa sa 28 puntos (45-17) sa second period.

Lumobo pa ito sa 30 puntos na bentahe (90-60) sa ikaapat na kanto para tuluyang makuha ang panalo.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with