P842-million kailangan ng PSC para sa repair ng mga venues
MANILA, Philippines — Pondong P842 milyon ang gagastusin ng Philippine Sports Commission para sa pagpapaayos ng mga sports facilities na gagamitin sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30-Disyembre 11.
Ilan sa mga venues na ipapaayos ng PSC ay ang maalamat nang Rizal Memorial Sports Complex at Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila, ang PhilSports sa Pasig City at ang Baguio training center.
Ang naturang pondo, ayon kay Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez, ay magmumula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
“We are making sure that there are 10-12 government sports facilities ready to assess, help the preparations of the PHISGOC (Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee),” wika kahapon ni Ramirez sa kanyang pagdalo sa Sportswriters Association (PSA) Forum at the Amelie Hotel-Manila. “We are hoping that all of these will be finished by September.”
Ito ang ikaapat na pagkakataon na pamamahalaan ng bansa ang SEA Games at hangad na makopo ang overall championship ng biennial event.
- Latest