Viloria, Trinidad nanguna sa skateboarding
MANILA, Philippines — Kitang-kita sa mga mata nina Abigail Viloria at Arianne Mae Trinidad ang hangaring makapaglaro sa 30th Southeast Asian Games.
Binigo ni Trinidad sina Jennica Eunesse Gulapa at Gwen Cabangon sa game of skate sa Luzon Qualifying leg ng 2019 Go For Gold Skateboarding National Championships.
Si Viloria naman ang nanguna sa women’s downhill race.
Sumegunda si Airish Tenorio ng Camarines Norte kay Viloria kasunod si Julieann Hilario ng Batangas at maglalaro din sa national finals sa Sta. Rosa kagaya ng mga podium finishers.
Maglalaro sina Viloria at Trinidad sa national finals na nakatakda sa Agosto 24-25 sa Sta. Rosa, Laguna, ayon kay Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines president Monty Mendigoria.
Ang nasabing event ang gagamitin ng skateboarding association para sa pagpili ng mga atletang ilalaban sa 2019 SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 30-Disyembre 11.
- Latest