^

PSN Palaro

Lady Spikers reresbak sa Lady Maroons

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto ang nais ng reigning champion De La Salle University na nakatakdang harapin ang mapanganib na University of the Philippines sa pagpapatuloy ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament ngayong hapon sa Antipolo Sports Center sa Antipolo.

Lalarga ang engkuwentro ng Lady Spikers at Lady Maroons sa alas-4 habang magtutuos naman ang FEU at A­damson University sa alas-2.

Matibay ang La Salle sa No. 2 spot tangan ang 5-2 baraha sa ilalim ng nangungunang Ateneo na may 7-1 marka.

Magkasosyo naman sa ikaapat na puwesto ang UP at FEU na may magkatulad na 4-3 kartada.

Ngunit may misyon ang Lady Spikers sa pagkakataong ito.

Target ng La Salle na makaresbak sa 25-21, 20-25, 21-25, 25-20, 12-15 nalasap nitong kabiguan sa UP sa kanilang unang pagtatagpo noong Marso 2.

Kaya naman gigil na makabawi ang Lady Spi­kers na babanderahan ni super rookie Jolina Dela Cruz kasama sina outside hitters May Luna at Tin Tiamzon, middle blockers Des Clemente at Aduke Agunsanya at playmaker Michelle Cobb.

Sa kabilang banda, inaasahang muling gagamitin ng Lady Maroons ang parehong formula upang maduplika ang kanilang first-round win sa Lady Spikers.

Nagbida sa naturang panalo si dating Rookie of the Year awardee Isa Molde na pumalo ng 20 puntos mula sa 17 attacks at tatlong blocks katuwang si Diana Mae Carlos na nagdagdag naman ng 19 markers.

  Lumasap ng mapait na 17-25, 25-14, 25-17, 23-25, 15-17 kabiguan ang UP sa National University.

Subalit mabilis itong na­kabangon matapos pabagsakin ang Adamson, 25-27, 25-14, 25-12, 25-21.

vuukle comment

LADY SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with