^

PSN Palaro

Unang ginto ng Ilagan mula kay Vista

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

ILAGAN CITY, Isabela , Philippines  —  Ang atleta ng host pro­vince ang kumuha sa unang gintong medalyang inilatag para sa Luzon qualifying leg ng 2019 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy kahapon.

Kumolekta si Eljay Marco Vista ng 7.670 points para angkinin ang gold medal sa cadet male poomsae individual event at talunin sina Kacey Canlas (7.600) ng Olongapo City, Wreily Canao (7.465) ng Baguio City at Jaymers Diaz (7.455) ng Dasmariñas City dito sa Brgy. San Felipe Covered Courts.

Hindi inaasahan ng 12-anyos na Grade 6 student ng Ilagan South Central School at anak ni Atty. Oriel Vista na siya ang mananalo.

“Hindi po kasi mayroon akong kalaban na naka-gold sa last Palaro, kaya hindi ko po talaga inasa­hang mananalo ako,” sabi ni Vista, sumabak sa una niyang PSC-Batang Pinoy. “Sobrang saya po kasi ako ang nakapagbigay ng unang gold sa Ilagan City.”

Ang ikalawa at ikatlong gold medal ay inangkin naman nina Ian Matthew Corton (8.105) ng Quezon City at Aesha Kiara Oglayon (7.82) ng Baguio City sa junior boys’ at cadet girls’ poomsae individual event, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, babanderahan ni swimming sensation Micaela Jasmine Mojdeh ng Parañaque City ang kompetisyon sa swimming pool ngayon sa Isabela Sports Complex.

Lalangoy ang 13-anyos na si Mojdeh sa kanyang unang event sa 13-15 girls’ 200-meter individual medley kasunod ang 400m individual medley.

vuukle comment

2019 PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with