^

PSN Palaro

NLEX buhay pa ang tsansa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
NLEX buhay pa ang tsansa
Dinipensahan ni Philip Paniamogan ng NLEX si Paul Desiderio ng Blackwater.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Dumiretso ang NLEX sa kanilang ikalawang sunod na ratsada para buhayin ang kanilang pag-asa sa eight-round quarterfinal round.

Bumandera sina Phi­lip Paniamogan at Bong Galanza sa 122-101 paggupo ng Road Warriors laban sa Blackwater Elite sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikaapat na pa­nalo ng NLEX sa kanilang siyam na laro kasabay ng pagsibak sa Blackwater, may 2-8 baraha.

Tumapos si Paniamogan na may 25 points tampok ang 5-of-9 shooting sa three-point range habang may 18 markers si Galanza kasama ang limang triples para sa Road Warriors.

“Iyong mga three-points namin talagang pinapraktis namin ‘yun. Nagtiwala lang sila sa akin,” sabi ni Pa­niamogan, nagtala rin ng 9 assists.

Kaagad itinala ng NLEX ang 10-point lead, 21-11 sa opening period hanggang iposte ang 16-point advantage, 55-39 mula sa dalawang free throws ni Cyrus Baguio sa natitirang  42 segundo bago ang halftime.

Lalo pang ibinaon ng tropa ni coach Yeng Guiao ang Blackwater sa 84-55 mula sa fastbreak layup ni Paniamogan sa 4:47 minuto ng third quarter.

Ngunit nagsumikap ang Elite sa pangunguna ni Allen Maliksi para ibaba ang naturang kalamangan ng Road Warriors sa 86-95 sa 8:13 minuto ng final canto

Isang maikling 15-1 atake ang pinakawalan ng NLEX sa likod nina Paniamogan, Galanza at Kenneth Ighalo para mu­ling makalayo sa 110-90 sa huling 3:20 minuto ng bakbakan.

At mula rito ay hindi na nakabangon ang Blackwater.   

vuukle comment

2019 PBA PHILIPPINE CUP

ROAD WARRIORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with