^

PSN Palaro

Ginebra lalapit sa bonus

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra lalapit sa bonus
“It doesn’t matter kung anong number as long as I can play, I will play,” wika ng 35-anyos na si Tenorio, tumabla kay four-time PBA MVP Alvin Patrimonio sa kanyang ika-596 dikit na laro noong nakaraang Linggo sa 100-97 paglusot ng Gin Kings laban sa Phoenix Fuel Masters.
Miguel De Guzman

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. NLEX vs Blackwater

6:45 p.m. Ginebra vs Magnolia

MANILA, Philippines — Gagawin ni veteran guard LA Tenorio ang kanyang record na pang-597 sunod na laro sa pagsagupa ng Barangay Ginebra sa Magnolia sa ha­ngaring makalapit sa isang tiket sa quarterfinal round.

“It doesn’t matter kung anong number as long as I can play, I will play,” wika ng 35-anyos na si Tenorio, tumabla kay four-time PBA MVP Alvin Patrimonio sa kanyang ika-596 dikit na laro noong nakaraang Linggo sa 100-97 paglusot ng Gin Kings laban sa Phoenix Fuel Masters.

Inaasahang muling sasandig si two-time Grand Slam champion coach Tim Cone kay Tenorio sa kanilang pagsagupa sa Hotshots ngayong alas-6:45 ng gabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay magkikita naman ang NLEX at Blackwater.

Sa naturang panalo ng Gin Kings (4-3) laban sa Fuel Masters ay nagtala ang 5-foot-9 na si Tenorio ng 23 points, 8 rebounds, 5 assists at 3 steals habang nagdagdag si Aljon Mariano ng 20 markers.

Samantala, target naman ng Hotshots (3-4) ang kanilang ikatlong sunod na panalo na magpapatibay sa kanilang pag-asang makasama sa eight-team quarterfinal round.

“Kahit medyo nasa hulihan pa rin (of the stan­dings), at least iyong rhythm at defensive mindset nandiyan na,” wika ni coach Chito Victolero sa Magnolia, umiskor ng 103-87 panalo laban sa Alaska at Columbian, 109-83.

Sa unang laro, pipilitin naman ng Road Warriors na makasilip ng tsansa sa quarterfinals sa pagsagupa sa Elite.

Pinatumba ng NLEX ang Alaska, 91-70 para itaas ang kanilang baraha sa 3-5 kumpara sa 2-7 marka ng Blackwater.

“This game could be a good sign because we need to win the next three games, actually,” ani coach Yeng Guiao sa kanyang Road Warriors. “So we need this confidence boost to be able to have a chance at doing that.” 

vuukle comment

2019 PBA PHILIPPINE CUP

BARANGAY GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with