^

PSN Palaro

33 kagulat-gulat na trivia ng mga PBA player at team

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May ilang bagay na hindi pa nalalaman ng mga fans ng Philippine Basketball Association tungkol sa mga paborito nilang pla­yers at teams.

Narito ang 33 trivia ng mga PBA cagers.

No. 1 - Bago maglaro ng basketball ay humataw muna si four-time PBA MVP Alvin Patrimonio ng volleyball habang tennis racket naman ang unang hinawakan ni center Jun Limpot.

No. 2 - Ang pangalan ng tatlong magkakapatid na Racela ay ibinase sa araw ng okasyon ng kanilang kapanganakan. Si Olsen ay isinilang noong  All-Saints Day habang si Nash ay ipinangak ng National Heroes' Day at si Wally naman ay walang okasyon.

No. 3 - Pinalitan ni Kerby Raymundo ang kanyang jersey sa No. 5 mula sa dating isinusuot na No. 21 dahil ito ang ginagamit noon ng kanyang idol na si NBA superstar center Kevin Garnett.

No. 4 - Si Freddie Abuda ang unang PBA player na nagtungo sa US para ipagamot ang kanyang injury kung saan ang Purefoods management ang nagbayad sa kanyang medical bills.

No. 5 - Si 5-foot-9 guard Joey Mente ang pinakamaliit na player na nagkampeon sa PBA Slam Dunk Contest.

No. 6 - Sa inaugural season ng PBA noong 1975 ay ipinarada ng Crispa Redmanizers ang limang future Most Valuable Player awardees na sina Atoy Co, Bogs Adornado, Abet Guidaben, Philip Cezar at Freddie Hubalde.

No. 7 - Si Danny Flo­rencio ang unang player na nasangkot sa isang trade sa PBA matapos dalhin ng U/Tex, kasama si Jimmy Otazu sa 7-Up kapalit nina Tino Reynoso at Ulysses Rodríguez noong 1977.

No. 8 - Ang unang American import na nag­laro sa PBA ay si John Kazmer noong 1981 para sa U/Tex.

No. 9 - Nagkaroon ang Alaska ng limang kali-weteng players sa katauhan nina two-time PBA MVP Willie Miller, big guard Mark Borboran at forwards Reynel Hugnatan, Joe Devance at John Ferriols.

No. 10 - Apat na father and son tandems ang nag­laro para sa Ginebra.

Ito ay sina Robert Jaworski Sr. at Dudut Jaworski, Freddie at Paolo Hubalde, Romy at Billy Mamaril at sina Sonny at Junjun Cabatu.

No. 11 - Hawak ni import Billy Ray Bates ang best career scoring ave­rage sa hanay ng mga PBA imports sa kanyang 46.2 points per game habang nanguna si Fil-Am guard Ricky Brown sa mga locals sa kanyang career average na 23.1.

No. 12 - Isang beses lamang nakapaglaro sa isang PBA game sina bench warmers Lou Regidor (San Miguel, 1995) at Gilbert Castillo (San Miguel, 1996).

No. 13 - Ang mga founding teams ng PBA ay ang Concepcion Carrier, Crispa Redmani­zers, Mariwasa-Noritake Porcelainmakers, Presto Ice Cream, Royal Tru-Orange, Seven-Up Uncolas, Tanduay Rhum Makers, Toyota Comets at U-Tex Wranglers.

No. 14 - Nagkaroon ang PBA ng patakaran na bawal magsama sa iisang koponan ang Top 2 centers. Hindi natuloy ang pagtatambal sana nina 6'5 Ramon Fernandez at 6'6 Abet Guidaben.

No. 15 - Ipinanganak si 'Living Legend' Robert Vincent Salazar Jaworski noong Marso 8, 1946 sa Baguio City.

No. 16 - Si Franz Pu­maren ang unang player na nakakumpleto ng isang four-point play sa isang PBA game habang nag­lalaro para sa guest team na NCC ni  American coach Ron Jacobs.

No. 17 - Si Freddie Hubalde ang ikalawang player na nakagawa nito para sa Tanduay Rhum Masters noong 1987.

No. 18 - Kinamada ni import Tony Harris ng Swift ang pinakamataas na iskor na 105 points laban sa Ginebra noong October 10, 1992 sa Iloilo City.

No. 19 - Ang 79 mar­kers ni Allan Caidic ng Presto Tivoli ang pinakamataas na iniskor ng isang player sa isang half na kanyang ginawa laban sa Ginebra noong Nobyembre 21, 1991 sa ULTRA  sa  Pasig City.

No. 20 - Unang naglaro si Norman Black sa PBA noong 1981 bilang import ng Tefilin na nagpaalam sa liga matapos ang dalawang taon.

No. 21 - Sa kanyang debut game para sa Pepsi noong 1990 ay nagpasabog si import Derrick Ha­milton ng 77 points.

No. 22 - Hinablot ni Ginebra import Michael Hackett ng Ginebra ang record na 45 rebounds kontra sa Great Taste noong Nobyembre 21, 1985.

No. 23 - Ang record na 28 asissts ay itinala ni guard Eugene Quilban ng Seven-Up kontra sa Shell noong Agosto 9, 1992.

No. 24 - Inilista ni Ryan Reyes ng Talk 'N Text ang pinakamaraming steals sa bilang na 10 sa kanilang laro ng Powerade sa 2011–12 Philippine Cup Finals noong Enero 29, 2012.

No. 25 - Hawak ni import Andrew Fields ng To­yota ang record na 13 shot blocks kontra sa Crispa noong Abril 21, 1981.

No. 26 - Si Jerry Codiñera ng Purefoods ang local player na may pinakamaraming supalpal sa bilang na 11 na kanyang ipinoste kontra sa San Miguel noong Oktubre 3, 1989.

No. 27 - Ipinukol ni Allan Caidic ang record na 17 three-point shots para sa Presto Tivoli kontra sa Ginebra noong Nobyembre 21, 1991.

No. 28 - Nagsalpak si import Jose Slaughter ng Hills Bros. ng 14 triples laban sa Great Taste noong Oktubre 18, 1987.

No. 29 - Walong magkakasunod na tres ang isinalpak nina Allan Caidic (Presto Tivoli) at Ren-Ren Ritualo Jr. (FedEx) noong Oktubre 15, 1991 at Abril 29, 2005, ayon sa pagkakasunod.

No. 30 - Iniskor ng Ginebra ang pinakamaraming puntos sa isang laro matapos talunin ang Great Taste, 197-168 noong Nobyembre 21, 1985.

No. 31 - Ang 55 points ng U/Tex ang pinakama­laking winning margin makaraang gibain ang Great Taste, 154-99  noong Hulyo 12, 1980.

No. 32 - Itinala ng Crispa ang record na 19-game winning streak noong 1980 PBA All-Filipino Conference mula Setyembre 30 hanggang Disyembre 9, 1980.

No. 33 - Si 'Human Voyager'  Vergel Meneses ang tanging player na nahirang na PBA All-Star MVP awardee na nakamit niya noong 1995, 1998, 2000 at 2003.

vuukle comment

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with