^

PSN Palaro

SBP umaasa pa rin na mabibigyan ng malaking venue para sa SEAG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi bumibitaw ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pag-asang maidaraos ang basketball competitions ng 30th Southeast Asian Games sa mas malaking venue para mapanood ng maraming fans.

Naniniwala si SBP president Al Panlilio na magkakaroon ang mga organizers ng 2019 SEA Games ng paraan para maitampok ang basketball games.

“The SBP is hoping all the Gilas Pilipinas games are in a bigger venue. Other games can stay at Filoil,” wika ni Panlilio kahapon.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) executive director Ramon Suzara na bumagsak ang kanilang pakikipag-usap sa Smart Araneta Coliseum at MOA Arena para pagdausan ng basketball games.

Idinagdag ni Suzara na ginawa na ng Phisgoc ang lahat para makuha ang isa sa dalawang nasabing venue na may minimum seating capacity na 15,000.

Dahil dito ay inilipat ng Phisgoc ang basketball event ng 2019 SEA Games sa mas maliit na Filoil Center sa San Juan City na may 5,500 seating capacity.

Ngunit ayon sa isang source, posibleng puma­yag ang MOA Arena na maging venue ng basketball competition ng biennial event na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ayon kay Suzara, buwan pa ng Mayo nang simulan niya ang pakikipag-usap sa Smart Araneta Coliseum at MOA Arena.

Ngunti sinasabing ang dalawang giant venues ay may nauna nang naitakdang iskedyul.

vuukle comment

AL PANLILIO

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with