^

PSN Palaro

E-Painters kukunin na ang bonus

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
E-Painters kukunin na ang bonus
At muli itong gagawin ng Elasto Painters sa pagsagupa sa Meralco Bolts ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng TNT Katropang Texters at Alaska Aces sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Jun Mendoza

Laro Ngayon(Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. Alaska vs TNT Katropa

7 p.m. Meralco vs Rain or Shine

MANILA, Philippines — Dalawang sunod na beses nadiskaril ang paglapit ng Rain or Shine sa isa sa dalawang 'twice-to-beat' incentive sa quarterfinal round.

At muli itong gagawin ng Elasto Painters sa pagsagupa sa Meralco Bolts ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng TNT Katropang Texters at Alaska Aces sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

May 7-3 record, kung tatalunin ng Rain or Shine ang Meralco (3-5) ay la­lakas ang kanilang pag-asa sa insentibo dahil sa pagkakaroon ng superior quotient kung magkakaroon ng pagtatabla sa Top Two.

Pinadapa ng Elasto Painters ang Phoenix Fuel Masters (8-2), nagdedepensang San Miguel Beermen (6-3) at Ginebra Gin Kings (4-3).

“We have to go hard against Meralco if we want a chance to get one of the Top Two spots,” sabi ni coach Caloy Garcia sa dalawang sunod na kabiguan ng Rain or Shine.

Nagmula naman ang Meralco sa 126-123 double overtime win laban sa NorthPort noong nakaraang linggo.

Sa unang laro, target ng TNT Katropa ang kanilang ikaapat na sunod na ratsada sa pagsagupa sa Alaska.

“Our mentality is a must-win every game,” wika ni mentor Bong Ravena sa kanyang Tropang Texters, nagmula sa 127-89 paggupo sa Blackwater Elite (2-7) para palakasin ang tsansa sa insentibo sa quarterfinals.

vuukle comment

2019 PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with