^

PSN Palaro

Magnolia kumikikig pa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Magnolia kumikikig pa
Tinangkang supalpalin ni Jackson Corpuz ng Dyip si Ian Sangalang ng Magnolia.
Jun Mendoza

Laro Bukas(Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. Alaska vs TNT Katropa

7 p.m. Meralco vs ROS

MANILA, Philippines — Hindi pa tapos ang kampanya ng Magnolia.

Binuhay ng Hotshots ang kanilang pag-asa sa quarterfinal round matapos pabagsakin ang Columbian Dyip, 109-83 para sa kanilang ikalawang sunod na ratsada sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Itinaas ng Magnolia, naghari sa nakaraang 2018 PBA Governor’s Cup, ang kanilang baraha sa 3-4 kasabay ng paghuhulog sa Columbian sa 4-6.

“Siyempre, itong game na ito very important for us. Hindi namin ito puwedeng pabayaan. Very crucial ito kasi kapag natalo kami, mahirap na,” sabi ni Ian Sangalang, humakot ng 16 points at 6 rebounds para sa Hotshots.

Nagdagdag si Mark Barroca ng 14 markers kasunod ang 12 at 10 points nina Rome Dela Rosa at Aldrech Ramos, ayon sa pagkakasunod.

Kaagad itinala ng Hotshots ang 10-point lead, 48-38 sa halftime bago nakalapit ang Dyip, nabigong mailista ang back-to-back wins, sa 46-50 sa kaagahan ng third period.

Isang 14-6 atake ang inilunsad ng Magnolia tampok ang dalawang magkasunod na three-point shots nina Dela Rosa at Barroca para itayo ang 64-42 bentahe kontra sa Columbian sa huling 3:51 minuto ng nasabing yugto.

Pinalobo pa ng Hotshots ang kanilang kalamangan sa 86-65 buhat sa 3-point play ni Sangalang sa 7:49 minuto ng fourth quarter hanggang ibaon ang Dyip mula sa 27-point advantage, 100-73  tungo sa kanilang panalo.

vuukle comment

2019 PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with