^

PSN Palaro

La Salle nakabawi

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
La Salle nakabawi
Lusot sa depensa nina Laiza Bendong at Set Rodriguez ng UE ang kill ni May Luna ng La Salle.
Joven Cagande

Laro Ngayon(FilOil Flying V Arena)

8 a.m. ADU vs FEU (M)

10 a.m. ADMU vs UP (M)

2 p.m.  ADU vs FEU (W)

4 p.m. ADMU vs UP (W)

MANILA, Philippines — Hindi naging hadlang ang pagkawala ng beteranong si Des Cheng dahil sa shoulder injury, magaang na dinurog ng three-peat champion De La Salle University Lady Spikers ang University of the East Lady Warriors sa straight sets, 25-18, 25-20, 25-18 kahapon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP  wo­men’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Cen­ter sa San Juan City.

Sa matikas na laro na ipinakita nina Michelle Cobb, Lourdes Clemente, Aduke Ogunsanya, May Luna, Tin Tiamzon at rookie Jolina de la Cruz umabot lamang ng 80 minuto ang laro para makopo ng Taft-based Spikers ang pang-apat na panalo sa anim na laro at muling makabalik sa winning track.

Hindi naman naging madali ang panalo ng La Salle dahil lumamang pa ng maraming beses ang Lady Warriors,  ang huli ay 6-3 sa ikatlong set bago tuluyang makuha muli ng Lady Spi­kers ang momentum tungo sa pagputol sa kanilang two-game losing skid.

Umani ang fourth year outside hitter na si Tiamzon ng 10 puntos mula sa siyam na atake at isang block habang si De la Cruz ay tumapos ng 14 puntos kabilang na ang siyam na atake, tatlong aces at dalawang blocks para bumawi sa kanilang talo sa UP Lady Maroons, 25-21, 20-25, 21-25, 25-20, 12-15 noong Marso 2 at sa UST Tigresses, 20-25, 22-25, 17-25  noong Miyerkules.

Sa men’s division, nagwagi ang nagdedepensang National University Bulldogs laban sa University of Santo Tomas, 25-18, 25-18, 25-21 upang uma­ngat sa solo second sa 4-1 slate habang nasungkit ng DLSU Green Spikers ang ikalawang panalo matapos padapain ang UE Red Warriors, 25-14, 25-10, 23-25, 22-25, 15-13 sa iba pang laro.

vuukle comment

SEASON 81 UAAP WO­MEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with