^

PSN Palaro

Ateneo kinalawang sa UST

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginulantang ng University of Santo Tomas ang Cignal-Ateneo de Manila University, 112-98 para masolo ang liderato sa Aspirants Group ng 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena kahapon sa Pasig City.

Nagpasiklab si rookie Mark Nonoy makaraang rumatsada ito ng 23 puntos, anim na rebounds, tatlogn assists at isang steal samantalang bumanat si Rhenz Abando ng 21 puntos para banderahan ang Growling Tigers sa ikatlong sunod na panalo.

Sumuporta naman si Renzo Subido na may 15 puntos na nakuha nito mula sa limang three-pointers habang nagdagdag si Soulemane Chabi Yo ng 20 puntos, siyam na rebounds at dalawang assists.

“They (Ateneo) are the best collegiate team dito sa atin at gusto lang namin na masukat lang ang kaya namin. Nakalaro naman ng maayos ang mga bata,” ani UST coach Aldin Ayo.

Nagtala ang UST ng impresibong 19 three-pointers para lubos na pahirapan ang Blue Eagles na bumagsak sa 2-1 marka.

Samantala, muling nakabingwit ng malaking panalo ang St. Clare College-Virtual Reality nang kubrahin nito ang 82-77 panalo sa Che’Lu Bar and Grill.

Minanduhan ni Junjie Hallare ang matayog na paglipad ng Saints nang kumana ito ng 19 puntos tampok ang 12 sa second half kalakip pa ang anim na steals at limang rebounds para pamunuan ang ka­nilang tropa sa panalo.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with