^

PSN Palaro

Yeng Guiao umaasang ‘di kasama sa grupo ang USA

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yeng Guiao umaasang �di kasama sa grupo ang USA
Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, nais nitong makapasok ang Pilipinas sa susunod na yugto ng world meet.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Puntirya ng Team Pilipinas na maging mas magarbo ang kampanya nito sa prestihiyosong 2019 FIBA World Cup na idaraos sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa China.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, nais nitong makapasok ang Pilipinas sa susunod na yugto ng world meet.

“Last World Cup, we won one game. It’s a group of four teams. If we win two games, that will get you to the next round. Our objective is to do better than the last World Cup, which means if we can double the wins from the last World Cup that gives us a chance to go to the next round,” wika ni Panlilio.

Magugunitang bigong pumasok sa susunod na yugto ang Pilipinas noong 2014 World Cup sa Spain matapos pumang-anim sa Group B tangan ang 1-4 marka.

Nagtala ito ng nag-iisang panalo laban sa Senegal ngunit natalo ito sa Greece, Croatia, Argentina at Puerto Rico.

Umaasa si Team Pilipinas head coach Yeng Guiao na mabibigyan ng paborableng puwesto ang Pilipinas sa drawing of lots na gaganapin sa Marso 16.

Hahatiin ang 32 teams sa walong grupo na binu­buo ng apat na koponan.

Isa sa iniiwasan ng lahat ng koponan ang reig­ning champion USA na mamanduhan ng matitikas na NBA players.

“Gusto ko yung meron taong realistic chance na makatsamba sa group natin. Pero wala naman ta­yong magagawa kung mapunta sa atin (yung USA). Magpa-picture na lang din tayo (sa USA),” ani Guiao.

Maliban sa Amerika, ma­tinik din ang Spain, France, Serbia, Argentina, Lithuania, Greece at host China. Kasama ng Pilipinas at China na nagkwalipika mula sa Asia and Oceania region ang Australia, Iran, Japan, Jordan, New Zealand at South Korea.

vuukle comment

2019 FIBA WORLD CUP

YENG GUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with