Simula na ang bakbakan sa BP Visayas Leg
ILOILO City , Philippines — Kahit limitado ang budget sa sports development sa iba’t ibang local government units, sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez na sapat na ‘yun kung mag-focus lamang sila sa sports kung saan sila malalakas.
Ito ang payo ni Ramirez para patatagin ang sports development program sa iba’t ibang siyudad at probinsiya ng bansa.
“I gave Iloilo as an example. They are good in football, volleyball and athletics, so they can spend their budget for these sports, which I think would be enough. And when the Batang Pinoy competition or Palarong Pambansa comes, mag-excell pa ang kanilang mga atleta,” ani Ramirez sa press conference kahapon sa Dep-Ed Diamond Jubilee Hall.
Ayon kay Ramirez, ibibigay na ng PSC sa hosts Iloilo City at Iloilo Province ang lahat na mga sports equipments na gagamitin sa isang linggong event na nagkakahalaga ng kabuuang P15 milyon.
Ang mahigit 3,000 atleta mula sa 67 LGUs sa Visayas ay magsisimula ng magtagisan ng husay sa 20 sports disciplines simula ngayong araw.
Kabilang sa mga sports events na paglalabanan ay ang centerpiece athletics, medal-rich swimming, basketball, chess at table tennis sa Iloilo Sports Complex.
- Latest