^

PSN Palaro

Blaze Spikers tangka ang ika-2 dikit vs Lifesavers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Blaze Spikers tangka ang  ika-2 dikit vs Lifesavers
Ipagpapatuloy ng Blaze Spikers ang mainit na ratsada nito kontra sa Lifesa­vers sa alas-7 ng gabi habang aarangkada rin ang bakbakan ng PLDT Home Fibr at Cignal sa alas-2 ng hapon at ang pukpukan ng F2 Logistics at Sta. Lucia sa alas-4:15.
facebook

MANILA, Philippines — Puntirya ng reigning champion Petron na makuha ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa nito sa Generika-Ayala sa pagpapatuloy ng Philippine SuperLiga Grand Prix nga­yong araw sa The Arena sa San Juan City.

Ipagpapatuloy ng Blaze Spikers ang mainit na ratsada nito kontra sa Lifesa­vers sa alas-7 ng gabi habang aarangkada rin ang bakbakan ng PLDT Home Fibr at Cignal sa alas-2 ng hapon at ang pukpukan  ng F2 Logistics  at  Sta. Lucia sa  alas-4:15.

Magarbo ang simula ng Petron nang pakainin ng alikabok ang PLDT sa pamamagitan ng 29-19, 25-9, 25-10 demolisyon.

Inilabas agad nina Ame­rican imports Stephanie Niemer at Katherine Bell ang bangis nila para pamunuan ang magarbong simula ng Blaze Spikers.

Nagrehistro ng pinagsamang 29 puntos sina Niemer at Bell habang nag­­lista si middle hitter Mika Reyes ng pitong puntos.

Sa kabila ng magandang panalo, may mga kailangan pang plantsahin ang Blaze Spikers upang magtuluy-tuloy ang magandang ratsada.

Isa sa mga tututukan ng Blaze Spikers ang receptions para makagawa ng mas solidong plays.

Sa kabilang banda, reresbak ang Generika-Ayala matapos lumasap ng 21-25, 25-22, 23-25, 25-16, 14-16 upset loss sa Sta. Lucia sa kanilang unang laro.  

Posibleng hindi makalaro si Nikole del Rio na nagtamo ng injury sa naturang laro. Kaya naman kailangan ng local players na muling mag-step up upang tulu­ngan si Kseniya Kocyigit.

vuukle comment

BLAZE SPIKERS

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with