^

PSN Palaro

Petron, PLDT unahan sa panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puntirya ng reigning champion Petron ang buwenamanong panalo sa pagharap nito sa PLDT ngayong hapon sa pagpapatuloy ng Philippine Superliga Grand Prix sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang pukpukan ng Blaze Spikers at Giga Hitters sa alas-2 habang susundan ito ng engkuwentro ng United Volley Club at Sta. Lucia Realty sa alas-4:15 at ng F2 Logistics at Cignal sa alas-7 ng gabi.

Tutok ang lahat kina American outside hitter Stephanie Niemer at power-hitting wing spiker K­atherine Bell na siyang ma­ngunguna sa kam­panya ng Petron sa taong ito.

Nasa Blaze Spikers na rin si seasoned libero Denden Lazaro para mas lalo pang maging maba­ngis ang koponan ni Petron coach Shaq Delos Santos.

“We may have a strong team, but this Grand Prix is a wide open race,” ani Delos Santos na aasahan din sina local aces Mika Reyes, Aiza Maizo-Pontillas, Remy Palma, Bernadeth Pons at playmaker Rhea Dimaculangan.

Tiwala naman si PLDT mentor coach Gorayeb na makakasabay ang kanyang bataan sa pangu­nguna nina American reinforcements Grace Lazard at Kendra Dahlke.

Makakatuwang nina La­zard at Dahlke sina Jasmine Nabor, Aiko Urdas at Lou Ann Latigay.

Sa kabilang banda, iba­bandera ng F2 Logistics si veteran reinforcement Lindsay Stalzer at Italian-American Becky Perry na makakatulong nina Aby Marano, Ara Galang, Kianna Dy, Dawn Macandili, Majoy Baron at Kim Fajardo.

vuukle comment

BLAZE SPIKERS

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with