^

PSN Palaro

Davao City kumpiyansa sa pagho-host ng Palaro

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Optimistiko ang Da­vao City na magiging ma­tagumpay ang kanilang pag­daraos ng 2019 Pala­rong Pambansa.

Ayon kay Davao City Sports Division Office head Michael Denton Aportadera, ilang pagsasaayos na la­mang sa mga venues ang kanilang ginagawa sa kasalukuyan para sa pa­mamahala sa nasabing ta­unang sports event.

Gagamitin ng Davao Ci­ty ang mga venues na ka­nilang pinagdausan ng na­karaang 2019 Davao Re­gional Athletic Association (DAVRAA).

Nakatakda ang 2019 Palarong Pambansa sa Abril 27 hanggang Mayo 4.

“Actually, nagamit na na­min iyon for DAVRAA. Aesthetics na lang ang ku­lang and then some fi­nishing touches. So were good,” wika ni Aportadera.

Maliban sa Davao City Sports Complex, idaraos din ang ilang sports events ng 2019 Palarong Pambansa sa mga privately owned sporting facilities ka­gaya ng University of Min­danao Sports Complex na may modernong rubbe­rized track and field oval.

Ayon kay Aportadera, ang pangangasiwa sa nakaraang 2019 DAVRAA ay bilang paghahanda sa Palarong Pambansa.

Inihayag no­ong Abril ng 2018 ng Department of Education ang paghirang sa Davao City bilang host ng Pala­rong Pambansa.

vuukle comment

2019 PALA­RONG PAMBANSA

MICHAEL DENTON APORTADERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with