^

PSN Palaro

Scratchers palaban sa D-League

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mapapalaban nang hus­to ang Foundation Cup titlist Go for Gold-College of Saint Benilde laban sa 19 pang koponang sasa­lang sa PBA D-League As­pirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Aminado si Go for Gold-CSB coach Charles Tiu na mas magi­ging mahi­rap ang pagdaraanan ng kan­yang bataan upang ma­kuha ang ikalawang ko­rona sa liga.

“It will be a tough climb for us to win the championship again,” sabi ni Tiu.

Nagkampeon ang Scratchers sa Foundation Cup na may anim na kopo­nan lamang na kalahok.

Sa pagkakataong ito, 20 tropa ang masisilayan sa aksyon sa torneong mag­sisimula bukas.

Hirap din ang Scrat­chers sa preparasyon dahil ilan sa kanilang mga man­la­laro ay may injury.

Gayunpaman, tiwala si Tiu sa kakayahan ng kanyang mga bataan na pa­ngu­ngunahan nina Benilde standout Justin Gutang at Fil-American Roosevelt Adams.

vuukle comment

COLLEGE OF SAINT BENILDE

PBA D-LEAGUE AS­PIRANTS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with