^

PSN Palaro

Wright, Abueva isinalba ang Phoenix

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Wright, Abueva isinalba ang Phoenix
Ngunit hindi ito hina­yaang mangyari nina Matthew Wright at Calvin Abueva nang itakas ang Fuel Masters laban sa NLEX Road Warriors, 83-82 sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Nasa bingit na ng pagkalasap sa kanilang unang kabiguan ang Phoenix.

Ngunit hindi ito hina­yaang mangyari nina Matthew Wright at Calvin Abueva nang itakas ang Fuel Masters laban sa NLEX Road Warriors, 83-82 sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Iniskor ni Wright ang huling apat na puntos ng Phoenix sa fourth quarter para sa kanilang pang-limang sunod na ratsada at patuloy na solohin ang liderato ng torneo.

Napigilan naman ang hangad na ikatlong dikit na panalo ng NLEX para sa kanilang 2-4 baraha.

Tumapos si Wright na may 17 points, 6 assists, 5 rebounds at 2 steals para sa Fuel Masters, nagtayo ng 17-point lead sa first half bago iniwanan ng Road Warriors, 58-47 sa 8:06 minuto ng third period.

Ang three-point shot at dalawang free throws ni Wright kasama ang dalawang charities ni big man Justin Chua ang nagbigay sa Phoenix ng 83-77 bentahe sa 2:45 minuto ng fourth quarter.

Isang Euro step ni Bong Galanza at triple ni Philip Paniamogan ang nagdikit sa NLEX sa 82-83 sa nala­labing 56.4 segundo.

Kapwa nagmintis sa kanilang posesyon ang Fuel Masters at Road Warriors bago sinupalpal ni Abueva ang tangkang tres ni Galanza sa pagtunog ng final buzzer.

Samantala, sasagupain ng Barangay Ginebra ang Blackwater ngayong alas-5 ng hapon sa Digos City, Davao del Sur Coliseum.

Nagmula ang Gin Kings, may 2-2 baraha, sa 97-85 paggupo sa Columbian Dyip (2-4)  noong nakaraang Sabado sa Ynares Center sa Antipolo City.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

MATTHEW WRIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with