^

PSN Palaro

Phoenix inakay ni Calvin Abueva sa ika-4 na dikit

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Phoenix inakay ni Calvin Abueva sa ika-4 na dikit
Humakot si Calvin Abueva ng 22 points, 14 rebounds, 2 steals at 2 assists para sa Fuel Masters.
PBA

MANILA, Philippines — Halos walang nakitang kamalian si coach Louie Alas sa kanyang mga Fuel Masters.

Dumiretso ang Phoenix sa kanilang ikaapat na sunod  na arangkada matapos durugin ang Blackwater, 114-95 para patuloy na pamunuan ang 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Humakot si Calvin Abueva ng 22 points, 14 rebounds, 2 steals at 2 assists para sa Fuel Masters.

“I just do my best sa mga ipinapagawa ni coach (Alas),” sabi ng 6-foot-2 na si Abueva. “Sa mga teammates ko, binibigyan naman nila ako ng confidence para sa mga games na maaaring maging iba ang sitwasyon.”

Kaagad naging agresibo ang Phoenix sa first period kung saan nila itinayo ang 24-point lead, 35-11 mula sa dunk ni Abueva sa huling 1:10 minuto nito.

Lalo pang nabaon ang Blackwater, nalasap ang ikatlong kabiguan sa apat na laro, sa kaagahan ng third quarter, 46-77  mula sa basket ni Perkins, ang 2018 Rookie of the Year.

Ang dalawang magkasunod na three-point shots nina Perkins at Wright ang nagpalobo sa kalamangan ng Fuel Masters sa 85-48 sa huling 4:31 minuto ng third period.

Isinalpak ni Abueva ang isang three-point play habang umiskor si Perkins para ibigay sa Phoenix ang 106-87 bentahe sa huling 1:47 minuto ng final canto na hindi na napababa ng Blackwater.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

PHOENIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with