^

PSN Palaro

Harden tumibag ng 61-pts. vs Knicks

Pilipino Star Ngayon
Harden tumibag ng 61-pts. vs Knicks
Nailusot ni James Harden ng Rockets ang kanyang tira laban kay Noah Vonleh ng Knicks.

NEW YORK — Nagbag­sak si James Harden ng career-high 61 points at pinantayan ang record ni Kobe Bryant para sa isang bisitang koponan sa Madison Square Garden sa 114-110 panalo ng Houston Rockets laban sa Knicks.

Isinalpak ni Harden ang clinching layup sa huling 3.8 segundo para sa Houston matapos ang turnover ng New York at itinala ang pang-lima niyang 50-point game ngayong season.

Kumonekta si Eric Gordon ng go-ahead 3-pointer sa nalalabing 9.8 segundo nang mabigo ang Rockets na maibigay ang bola kay Harden, ang NBA leading scorer na inungusan si Wilt Chamberlain sa fourth place sa NBA history sa kanyang ika-21 sunod na 30-point game.

Sa Detroit, humugot si Blake Griffin ng 20 sa kanyang game-high 37 points sa first quarter habang hi­nablot ni Reggie Bullock ang isang loose ball para sa kanyang slam dunk sa hu­ling 14.5 segundo sa 98-94 paggupo ng Pistons kontra sa New Orleans Pelicans.

Nagdagdag si Reggie Jackson ng 17 points para sa Detroit, nalampasan ang pagbangon ng New Orleans para tapusin ang ka­nilang two-game losing skid.

Sa New York, nagposte si guard D'Angelo Russell ng double-double mula sa kanyang 25 points at 10 rebounds habang tumipa si Spencer Dinwiddie ng 29 points para ilusot ang Brooklyn Nets laban sa Orlando Magic, 114-110.

vuukle comment

JAMES HARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with