^

PSN Palaro

Makati, Quezon City wagi sa MPBL

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Makati, Quezon City wagi sa MPBL
Umani si Isip ng 19 points, 6 rebounds at 2 assists at si Villanueva ay nagdagdag ng 11 points, 9 rebounds, 2 assists at 1 steal para makopo ng Makati ang ika-siyam na sunod panalo at sumosyo sa ikatlong puwesto ka­sa­ma ang San Juan Knights sa pareho nilang 15-4 kartada sa Northern Division.
www.facebook.com/BuzzBasketball

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa sina Mark Isip at John Rey Villa­nueva sa kanilang tinapos na 30 points para ihatid ang Ma­kati Super Crunch sa 76-71 panalo kontra sa Pasig Pirates, habang nagwagi ang Quezon City Capitals la­ban sa Mandaluyong El Tigre, 86-76, sa 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup no­ong Martes  ng gabi sa Pasig City Sports Center.

Umani si Isip ng 19 points, 6 rebounds at 2 assists at si Villanueva ay nagdagdag ng 11 points, 9 rebounds, 2 assists at 1 steal para makopo ng Makati ang ika-siyam na sunod panalo at sumosyo sa ikatlong puwesto ka­sa­ma ang San Juan Knights sa pareho nilang 15-4 kartada sa Northern Division.

Bukod kina Isip at Villanueva, tumulong din ng 12 points si Joseph Sedurifa, habang si Jeckster Apinan ay nag­tala ng 11 markers para sa Super Crunch.

Ang Pasig Pirates ni coach James Anton Machate ay nanatili sa ilalim ng standing sa Northern Division sa 3-15 baraha.

Sa iba pang laro, nasungkit ng Quezon City Capitals ang pang-pitong panalo sa 16 laro bunga ng kanilang protesta ukol sa paggamit ng El Tigre kay Ronjay Bue­nafe na hindi eligible maglaro sa MPBL.

Ang El Tigre ay bumaba sa 7-11 record sa Northen group na pinangunahan ng Bataan Risers (16-2) at  Manila Stars (16-3) kasunod ang  San Juan Knights (15-4) at Makati Super Crunch (15-4).

vuukle comment

2019 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

MA­KATI SUPER CRUNCH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with