^

PSN Palaro

Ancajas nilayasan ng trainers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ancajas nilayasan ng trainers
Kabilang sa mga nawala sina trainer Sonny Dollente, Roberto Jalnaiz, dating national team member Delfin Boholst na nagsilbing strength and conditioning coach nito sa kanyang huling tatlong laban sa Amerika.
Lyn Olavario TV5 Sports reporter/File

MANILA, Philippines — Nalagas ang miyembro ng training camp ni International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas.

Kabilang sa mga nawala sina trainer Sonny Dollente, Roberto Jalnaiz, dating national team member Delfin Boholst na nagsilbing strength and conditioning coach nito sa kanyang huling tatlong laban sa Amerika.

Wala na rin sina Mark Anthony Barriga at Charly Sua­rez. Si chief trainer at manager Joven Jimenez ang ta­nging naiwan dahilan upang lubos na mapilayan ang training camp ni Ancajas sa Survival Camp sa Magallanes, Cavite.

Wala pang linaw kung ano ang tunay na dahilan.

Ngunit napaulat na galing ang utos kay Sean Gibbons – ang kinatawan ni Ancajas sa kanyang mga laban.

Sinabi ni Gibbons na nais nitong magkaroon ng magandang simula ang grupo ni Ancajas kasama ang mga bagong pangalan sa grupo.

Tuloy ang buhay para kay Ancajas na tuloy pa rin sa pagsasanay kasama si Jimenez.

Marso ang target date ng susunod na laban ni Ancajas kaya’t walang tigil ang Pinoy champion para mapanatili ang magandang kundisyon ng pangangatawan nito.

Wala pang pormal na anunsiyo kung sino ang sunod na makakalaban ni Ancajas.

Ngunit lumulutang na ang dalawang pangalan na makakaharap nito sa taong ito.

Ito ay sina World Boxing Council titlist Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand at No. 1 contender Ryuichi Funai ng Japan.

 Nauwi sa draw ang huling laban ni Ancajas kontra kay Alejandro Santiago noong Setyembre 29 sa Oracle Arena sa Oakland, California.

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with