PTA 2019 nat’l instructors assembly sa Jan. 6
MANILA, Philippines — Idaraos ng Philippine Taekwondo Association at SMART/MVP Sports Foundation ang 2019 National Instructors’ General Assembly sa Linggo sa San Andres Sports Complex, San Andres St., Manila.
Inaasahan ang mahigit 500 national at regional head instructors kabilang na ang mga opisyales ng taekwondo mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang dadalo sa taunang event para pag-usapan ang mga programa ng PTA kabilang na ang tournament calendar para sa taong ito.
Pangungunahan ni Makati Congressman at PTA Secretary General Monsour del Rosario ang nasabing general assembly.
Kabilang din sa ibibida ng PTA ang kanilang accomplishments sa nakaraang 2018 at pag-usapan din ang iba’t ibang national at international competitions na sasalihan ng national team.
Nakatakdang sumabak ang national team sa World Taekwondo Championships, Asian Cadet at Junior Taekwondo Championships, World Cadet Championships, Asean Taekwondo Championships na gaganapin sa bansa at ang 30th SEAG sa Manila sa Nobyembre.
Ang registration sa naturang pagtitipon ay magsisimula sa alas-9 ng umaga at susundan ng refresher course ng World Taekwondo Federation pati na ang official rules at updated techniques para sa Poomsae (forms) at Kyorugi (free sparring).
- Latest