^

PSN Palaro

Blatche balik Gilas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Blatche balik Gilas
Kinumpirma ito ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio kung saan nais ni Blatche na dumating ng maaga sa Pilipinas upang maka­agapay sa sistema ni Gilas head coach Yeng Guiao.

MANILA, Philippines — Magbabalik-aksiyon si naturalized player Andray Blatche para sa Gilas Pilipinas na sasalang sa 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers sa Pebrero 21.

Kinumpirma ito ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio kung saan nais ni Blatche na dumating ng maaga sa Pilipinas upang maka­agapay sa sistema ni Gilas head coach Yeng Guiao.

Mismong si Blatche na rin ang nagkumpirma na muli itong masisilayan suot ang national team jersey.

Hindi kasama si Blatche sa lineup ng Gilas Pilipinas na naglaro laban sa Kazakhstan at Iran.

Sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle ang nagsilbing naturalized players sa naturang mga laro ngunit natalo ang Pinoy squad.

Kaya naman lumakas ang panawagan na ibalik si Blatche sa lineup.

Huling naglaro si Blat­che noong Hulyo 2 nang mapaaway ang Gilas Pilipinas laban sa Australia sa Philippine Arena.

Napatawan ito ng tatlong larong suspensiyon ng FIBA kasama ang siyam pang Pinoy players.

Sa pagbabalik ni Blatche sa lineup, umaasa ang SBP na mapapalakas nito ang Gilas Pilipinas para buhayin ang pag-asang makahirit ng tiket sa FIBA World Cup.

Makakalaban ng Pilipinas sa Pebrero 21 ang Qatar at Pebrero 24 ang Kazakhstan.

vuukle comment

ANDRAY BLATCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with