^

PSN Palaro

Hotshots masaya ang Pasko

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Hotshots masaya ang Pasko
Nagdiwang ang Magnolia Hotshots makaraang sikwatin ang korona ng PBA Governor’s Cup crown noong Miyerkules ng gabi.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Masaya ang magiging Pasko ng buong Magnolia Hotshots matapos pagharian ang katatapos na Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup.

Hindi na pinaporma pa ng Magnolia ang Alaska nang ipako nito ang impresibong 102-86 demolisyon sa Game 6 para matamis na kubrahin ang kampeonato sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Tinapos ng Hotshots ang best-of-seven championship series tangan ang 4-2 desisyon para makuha ang ika-14 korona sa liga.

Isa sa mga lubos na nasiyahan ay si import Romeo Travis na makakauwi na sa Amerika para makasama ang kanyang buong pamilya sa Pasko.

“We just didn’t want to play a Game seven. I know I didn’t want to play a Game 7. I want to go home — so I want to be home for Christmas. I didn’t want to drive two hours and I just want to finish it now,” wika ni Travis.

Inilabas na ni Travis ang lahat ng alas nito sa Game 6 nang magsumite ito ng 32 points at 17 boards kasama ang anim na assists para sa Hotshots.

“And the guys, we all had the same mindset. We just came out and played aggressive, played together and we got a win. Can I go home now?” ani Travis.

Bitter-sweet ang panalong ito para kay Travis dahil marami na itong naging kaibigan noong naglaro ito bilang import ng Alaska may tatlong taon na ang nakalilipas.

“Like I said before, I wish it wasn’t  Alaska. You know I have a lot of great friends over there; especially Chris Banchero and I really want him to get a championship. Unfortunately, it was against so we had to do what he had to do,” ani Travis.

Triple naman ang selebrasyon ni Paul Lee na itinanghal na Best Player of the Conference (BPC), may hawak na kampeonato at may bagong baby girl.

Kaya naman wala nang mahihiling pa si Lee.

“Wala na akong mahihiling pa. Early this year, nalaman namin na pregnant yung wife ko. Then nanalo ako ng BPC and championship. Kaya talagang maganda ang taong ito for me. Sobrang blessed ko,” ani Lee.

At sa pagpasok ng bagong taon, umaasa ang Magnolia na madadala nito ang magandang momento para sa panibagong labang kanilang haharapin sa 2019 season.

vuukle comment

MAGNOLIA HOTSHOTS

PBA GOVERNORS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with