^

PSN Palaro

Lady Patriots nakatikim din ng panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Patriots nakatikim din ng panalo
Ito ang unang panalo ng La Salle-Dasma sa limang laro para saluhan ang San Agustin sa No. 5 spot na may parehong 1-4 baraha sa pagtatapos ng eliminasyon.
File Photo

MANILA, Philippines — Iginupo ng De La Salle University-Dasmariñas ang Colegio San Agustin-Biñan, 25-23, 25-18, 21-25, 25-16 upang magarbong tapusin ang kampanya nito sa Philippine Superliga Collegiate Grand Slam kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ang unang panalo ng La Salle-Dasma sa limang laro para saluhan ang San Agustin sa No. 5 spot na may parehong 1-4 baraha sa pagtatapos ng eliminasyon.

Malakas na puwersa ang nanggaling kay Rain Cyrill Ramos nang magtala ito ng 14 puntos lahat galing sa attacks para manduhan ang Lady Patriots sa panalo.

“Finally nakuha namin yung panalo rito sa PSL. Ang gandang exit po ito para sa amin dahil lahat ng training namin, ‘yung pagod namin nagbunga na po at last. Yung huwag sumuko, ‘yun ang natutunan namin dito sa PSL push through pa rin,” ani Ramos.

Nakatulong naman ni Ramos si team captain Eunice Castillo na humataw ng pitong attacks kabilang ang game-winning hit kasama pa ang anim na aces at tatlong blocks sa para sa La Salle-Dasma.

“Nakinig lang kami sa coaches namin and at the same time i-apply yung mga ginagawa namin sa training. Ise-celebrate namin yung panalo namin dito sa PSL,” sambit ni Castillo.

Nanguna naman para sa San Agustin si Lency Duarte na nagrehistro ng 12 attacks at isang ace.

Maghaharap naman bukas ang UST at UP sa championship round sa alas-4 ng hapon.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA COLLEGIATE GRAND SLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with