^

PSN Palaro

De Guzman pumasok sa Top 20 ng Asian Continental

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umakyat na rin si Filipino IM Ricky De Guzman sa Top 20 matapos magwagi laban kay FIDE Master Yoseph Theolifus Taher ng Indonesia sa 7th Asian Continental Chess Championship (2nd Manny Pacquiao Cup) men’s division noong Linggo ng gabi sa Tiara Hotel sa Ma­kati City.

 

Ang US-based na si De Guzman ay kasama na sa nine-player logjam sa 18th spot mula sa kanyang apat na puntos, mahigit 1.5 puntos ­ang agwat mula sa nangu­ngu­nang sina GM Surya Ganguli ng India at GM M. Amin Ta­batabei ng Iran na kapwa tangan ang 5.5 points.

Hindi rin nagpahuli si Pinoy GM John Paul Gomez at inilampaso ang kababa­yang si GM Joey Antonio sa seventh round upang ma­­kasama ni De Guzman sa 18th group.

Kailangan ni De Guzman na  manalo kay  IM Xu Yi ng China sa 8th round, habang si Gomez ay must-win situation din laban kay GM Ehsan Ghaem Maghami ng Iran sa 8th round upang makapasok sa Top 10.

Nasungkit din ni WGM Janelle Mae Frayna ang ika­­­lawang panalo maka­ra­ang payukuin ang ka­ba­­ba­yang si FIDE Master na si Allaney Jia Doroy pa­­­ra manatiling buhay ang pag-asang makapasok sa top 10 sa women’s division.

Sa kanyang panalo, umangat si Frayna sa five-pla­­yer logjam sa 12th spot sa kanyang apat na puntos.

Kailangan ng 22-anyos na si Frayna na manalo kay WFM Dita Karenza ng Indonesia sa 8th round pa­­­ra makasama sa top 10.

Ngunit, tiyak ang mainit na laban dahil galing din si Karenza sa panalo kay WFM Aashna Makhija ng In­dia sa sixth round.

Nanatili naman sa lide­rato si IM Ruot Padmini ng India matapos magwagi kay IM Guo Qi ng China pa­­ra masungkit ang pang-anim na puntos.

Nagsosyo sa ikalawang puwesto sina IM Pham Le Thao Nguyen.

vuukle comment

RICKY DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with