^

PSN Palaro

Biado, De Luna; Ignacio nagparamdam agad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Biado, De Luna; Ignacio nagparamdam agad
Unang umarangakda si Carlo Biado na matikas na sinimulan ang pagdepensa sa titulo nang pataubin nito si George Llanos ng Argentina sa bisa ng 9-3 pananaig sa Group 9.

MANILA, Philippines — Maagang nagparamdam ng lakas ang tatlong Pinoy cue masters sa pagsisimula ng 2018 World 9-Ball Championship na ginaganap sa Al-Attiya Sports Arena sa Al-Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Unang umarangakda si Carlo Biado na matikas na sinimulan ang pagdepensa sa titulo nang pataubin nito si George Llanos ng Argentina sa bisa ng 9-3 pananaig sa Group 9.

Target ni Biado na masungkit ang silya sa knockout stage sa pagharap nito kay Sergey Lutsker ng Russia na nagtala ng 9-8 desisyon laban kay Nguyen Anh Tuan ng Vietnam.

Umiskor din ng unang  panalo sina Jeffrey De Luna at Jeffrey Ignacio sa kani-kanilang grupo.

Naisumite ni De Luna ang 9-7 panalo laban kay Sami Koylu ng Turkey sa Group 2 habang namayani naman si Ignacio kay Abdullah Alenzi ng Kuwait sa Group 6.

Tulad ni Biado, kailangan lang nina De Luna at Ignacio na maipanalo ang kanilang susunod na laro para makapasok sa main draw.

Bigo naman sina Roland Garcia, Johann Gonzales Chua, Israel Rota, Marlon Manalo at Roberto Brillantes sa kanilang unang pagsalang sa torneo.

vuukle comment

2018 WORLD 9-BALL CHAMPIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with