^

PSN Palaro

Giyera ng Petron, F2 Logistics simula na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Giyera ng Petron, F2 Logistics simula na
Mataas ang moral ng Blaze Spikers na nakasakay sa imakuladang 12-0 rekord – dalawang laro na lang ang kailangan upang makumpleto ang matamis na sweep sa kumperensiya gaya nang ginawa nito noong 2015 All-Filipino Conference.
file

MANILA, Philippines — Muling masisilayan ang klasikong bakbakan sa pa­gitan ng Petron at F2 Logistics na mag-uunahan na makuha ang 1-0 bentahe sa Philippine Superliga All-Filipino Conference best-of-three finals series na papalo ngayong araw sa MOA  Arena sa Pasay City.

Magbabakbakan ang Blaze Spikers at Cargo Movers sa alas-6 ng gabi habang magtutuos naman sa battle-for-bronze match ang Cignal at Generika-Ayala sa alas-4.

Mataas ang moral ng Blaze Spikers na nakasakay sa imakuladang 12-0 rekord – dalawang laro na lang ang kailangan upang makumpleto ang matamis na sweep sa kumperensiya gaya nang ginawa nito noong 2015 All-Filipino Conference.

At tiwala ang Petron na maipagpapatuloy nito ang dominanteng laro lalo na sa importanteng estado ng torneo.

Walang puwang ang pagiging kumpiyansa para kay Petron head coach Shaq Delos Santos dahil hindi birong kalaban ang F2 Logistics na nagtataglay ng malalim na lineup at matikas na karanasan.

“We’re happy to be in the finals, but we’re not yet done with our mission. F2 Logistics is such a tough team that performs best when the series is on the line,” ani Delos Santos.

Sa kanilang unang pag­haharap sa eliminasyon, namayani ang Blaze Spi­kers laban sa Cargo Mo­vers sa iskor na 22-25, 25-16, 25-16, 25-20.

Ngunit alam ni Delos Santos na pinag-aralan na ng Cargo Movers ang ga­law ng kanyang bataan. Kaya’t handa itong ilabas ang bagong estratehiya para muling masawata ang F2 Logistics.

Aminado naman si F2 Logistics coach Ramil de Jesus na lamang ang Petron sa serye kung saan tinukoy nito ang malalim na lineup sa ngalan nina Bernadeth Pons, Sisi Rondina, Remy Palma, Angelica Legacion, Rhea Dimaculangan, Aiza Maizo-Pontillas, Frances Molina at Mika Reyes.

vuukle comment

F2 LOGISTICS

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with