PSC tatapusin na ang gulo sa swimming
MANILA, Philippines — Nangako ang Philippine Sports Commission (PSC) na aayusin nito ang gusot sa swimming community upang bigyan ng pagkakataon ang lahat ng mahuhusay na bagitong tankers.
Ilan sa pangunahing makikinabang sa hakbang ng PSC sina Philippine Swimming League (PSL) standouts Micaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryan Dula na itinuturing na “future of Philippine swimming” matapos ang impresibong kampanya nito sa mga international competitions.
“We have already been assured of support by the PSC in both our local and international campaigns. We’re very happy. This is really good news for all of us,“ wika ni Mojdeh sa “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club kahapon.
Sumisid ang 12-anyos Immaculate Heart of Mary College-Parañaque ng pitong gintong medalya kalakip ang bagong Philippine national junior record sa 200m butterfly (2:25.82) sa 2018 Hamilton Aquatics Winter Long Course Swimming Championships sa Dubai, UAE.
Umani naman si Dula ng walong ginto at isang pilak sa boys’ 11-year division para tanghaling Most Bemedalled Swimmer sa torneong nilahukan ng mahigit 500 swimmers mula sa 22 bansa.
“We hope we can continue to win more golds for our country next year,” ani Dula na kasamang dumalo sa forum sina PSL Regional Director Joan Mojdeh at PSL coach Alex Papa.
Maganda ang programa ng PSL para sa mga bagitong tankers.
- Latest