^

PSN Palaro

F2 Logistics swak sa Finals

Pilipino Star Ngayon
F2 Logistics swak sa Finals
Nakakuha ng lakas ang Cargo Movers kina Aby Maraño at Ara Galang na siyang nanguna sa opensa para hatakin ang kanilang tropa sa championship round.
Joey Mendoza

Laro Bukas(Muntinlupa Sports Center)

12 pm UE vs CSA-Biñan

2 pm UST vs DLSU-Dasmariñas

MANILA, Philippines — Nagmartsa sa finals ang F2 Logistics matapos itakas ang pahirapang 21-25, 25-15, 25-20, 19-25, 15-5 desisyon kontra Generika-Ayala kahapon sa PSL All-Filipino Confe­rence semifinals sa Muntinlupa Sports Center.

Nakakuha ng lakas ang Cargo Movers kina Aby Maraño at Ara Galang na siyang nanguna sa opensa para hatakin ang kanilang tropa sa championship round.

“Sobrang hirap dahil alam natin na matibay ang depensa ng Generika-Ayala, nagagawan nila ng paraan ‘yung mga spikes nila at tinalo nila kami sa elimination round kaya nag-doble effort pa talaga kami ngayon,” ani Maraño.

Nagrehistro si Maraño ng 12 attacks, tatlong blocks at isang ace habang kumana si Galang ng 14 attacks at isang ace sa larong tumagal ng halos tatlong oras.

Nagbigay ng solidong tulong si opposite hitter Michelle Morente na umiskor ng importanteng mga puntos para punan ang puwesto ni Kim Kianna Dy gayundin sina wing spiker Cha Cruz-Behag at middle blocker Majoy Baron na siyang nakakuha ng game-winning block.

Nahulog sa battle-for-bronze ang Lifesavers.

Makakaharap ng Car­go Movers ang magwawagi sa pagitan ng Petron at Cignal na naglalaro pa habang sinusulat ang balitang ito.

Makakalaban ng Lifesa­vers ang matatalo sa Blaze Spikers at HD Spikers.

Sa Collegiate Grand Slam, nalusutan ng University of Santo Tomas ang University of the East, 27-25, 19-25, 25-14, 25-20 para masikwat ang kanilang silya sa finals.

vuukle comment

F2 LOGISTICS

PSL ALL-FILIPINO CONFE­RENCE SEMIFINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with