^

PSN Palaro

Mga pambato sa World Cup, sisipa ngayong buwan sa ABS-CBN S+A

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Masisilayan ang mga bituin ng 2018 FIFA World Cup pati na ang Pinoy pride  na si Neil Etheridge ng Cardiff City F.C. sa ABS-CBN S+A ngayong buwan para sa mga laro sa European club football. Babandera ang Manchester United kontra sa Fulham LIVE sa Sabado sa S+A sa alas-10:55 ng gabi.

Sa Disyembre 9 ay mapapanood naman ang bakbakang FC Barcelona at Espanyol kung saan nais palakihin pa lalo ng Barcelona ang kanilang kalamangan sa pagbabalik ni Lionel Messi sa alas-3:40 ng umaga sa S+A.

 Samantala, babandera si Hurricane Harry Kane para sa Tottenham sa kanilang pagsagupa sa Burnley sa Disyembre 15, LIVE ng 10:55 pm. Magpapalakasan naman ang dalawang higante sa EPL sa banggaang Manchester United at Liverpool sa tahanan ng Reds sa Disyembre 16, LIVE sa S+A sa alas-11:55 ng gabi.

Dalawang araw naman bago mag-Pasko sa Pilipinas, muling mapapanood si Etheridge at ang Cardiff kontra Manchester United LIVE sa S+A ng 1:25 am.

 Lilipat ang aksyon sa premyadong liga ng Italya, ang Series  A, pagdating ng Disyembre 27 sa paghaharap ng Inter Milan nina Dries Martens at Lorenzo Insigne at ng Napoli ni Mauro Icardi sa S+A ng 3:20 am.

 Huwag palampasin ang mga laban lalo na ngayong Sabado (Disyembre  8) sa pagitan ng Manchester United at Fulham sa ganap na 10:55 pm. Para sa mga katanungan ukol sa sales at advertising, maaaring tawagan lamang ang ABS-CBN Airtime Sales at (+632) 415-2272.

Para sa balita at karagdagang impormasyon, bumisita sasports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin angwww.abscbnpr.com.

vuukle comment

2018 FIFA WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with