^

PSN Palaro

F2 Logistics nagpasolido sa No. 2

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas (Caloocan Sports Complex)

4:15 p.m. Petron vs Smart

7p.m.  F2 vs Generika-Ayala

MANILA, Philippines — Pinutulan ng signal ng F2 Logistics ang Cignal HD Spikers, 25-22, 23-25, 25-14, 25-17 upang manati­ling nakakapit sa solong No. 2 sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Bacoor Strike Gym sa Cavite.

Umarangkada si outside hitter Ara Galang matapos pakawalan ang 18 hits galing sa 16 attacks at dalawang aces para sa Cargo Movers na nahablot ang ikapitong panalo sa siyam na pagsalang.

“Nung first round kasi kapaan pa yun. Hindi namin alam ang galaw ng Cignal kumpara ngayon na nakalaban na namin sila. Nakapag-adjust na kami mas alam na namin galaw nila mas kilala na namin,” wika ni Galang.

Halos tabla ang Cargo Movers sa lahat ng scoring aspects.

May 45-43 edge ang F2 Logistics sa attacks samantalang nakakuha ng 12-10 bentahe ang Cignal sa blocking department.

Parehong may 10 aces ang Cargo Movers at HD Spikers.Subalit nagkatalo ang dalawang tropa sa errors kung saan nakagawa ng 33 pagkakamali ang HD Spikers habang nalimitahan ng Cargo Movers ang mintis nito sa 14.

vuukle comment

F2 LOGISTICS

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with