^

PSN Palaro

Pacquiao, Roach magkasama na uli

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao, Roach magkasama na uli
Sina Manny Pacquiao at Ame­rican trainer Freddie Roach.
Wendell Alinea/MP Promotions

MANILA, Philippines — Magbabalik si American trainer Freddie Roach sa training camp ni Manny Pacquiao para sa nalalapit na pagdedepensa nito ng WBA welterweight crown laban kay Adrien Broner sa E­nero 19.

Mismong si Roach ang nagkumpirma ng muling pagpasok nito sa Team Pacquiao matapos ang isang masinsinang mee­ting na ginanap sa Waldorf Astoria sa Beverly Hills, California sa Amerika.

Ayon kay Roach, si Pacquiao ang nag-set ng meeting upang mapag-usapan ang mga gagawin sa training camp.

“Manny reached out directly. We sat together one-on-one. I’ll be in his corner Jan 19,” ani Roach sa panayam ng Sports Illustrated.

Muling magkakasama sina Roach at Pacquiao matapos ang mahigit isang taong pagkakahiwalay.

Huling nakasama ni Pacquiao si Roach nang matalo ang Pinoy champ kay Australian Jeff Horn sa Brisbane, Australia noong 2017.

Sa pagkawala ni Roach, minanduhan ni Buboy Fernandez ang training camp ni Pacquiao na nagresulta sa seventh-round knockout win nito kay Lucas Matthysse noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa pagbabalik ni Roach, magsisilbi itong supervisor sa training camp upang higit na palakasin ang paghahanda nito para sa laban.

vuukle comment

FREDDIE ROACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with