^

PSN Palaro

Petecio at Magno talsik sa 2nd round ng AIBA meet

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Petecio at Magno talsik sa 2nd round ng AIBA meet
Nesthy Petecio

MANILA, Philippines — Namaalam na rin sa kon­­tensyon ang dalawa pang miyembro ng wo­men’s boxing team sa 2018 AIBA Women’s World Bo­xing Championships na gi­naganap sa KD Jadhav Indoor Stadium sa New Del­hi, India.

Lumasap ng nakapan­lu­lumong kabiguan sina da­ting World Championships silver medalist Nesthy Petecio (featherweight 57 kgs.) at Irish Magno (fly­weight 51 kgs) sa kani-kanilang dibisyon.

Umani si Petecio ng ka­duda-dudang unanimous decision loss laban kay unseeded fighter Yeni Mar­cela Arias Castaneda ng Colombia.

Ibinigay ng apat na European judges at isang hu­rado mula sa Zimbabwe ang kanilang boto sa Co­lombian bet sa iskor na 29-28, 30-27, 29-28, 29-28 at 29-28.

Hindi rin umubra si Mag­no kontra kay Chang Yuan ng China na nakakuha ng 4-1 desisyon.

Tanging ang Polish judge lamang ang bumoto kay Magno sa iskor na 29-28 habang may 29-28, 30-27, 29-28 at 29-28 de­sis­yon ang apat na natirang hurado.

Reresbak ang dalawa pang pambato ng Pilipinas na sina Aira Villegas (bantamweight 54 kgs) at dating world champion Josie Gabuco (light flyweight 45-48 kgs.) na mapapalaban sa kani-kanilang beteranong karibal.

Lalarga si Villegas sa se­cond round laban kay Peamwilai Laopeam ng Thailand, habang aariba na­man si Gabuco laban kay Wu Yu ng China sa event na nilahukan ng 66 bansa.

Nauna nang yumuko si Carolyn Calungsod na na­talo kay Caroline Veyre ng Canada sa first round ng lightweight (60 kgs) division.

vuukle comment

2018 AIBA WOMEN’S WORLD BO­XING CHAMPIONSHIPS

NESTHY PETECIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with