^

PSN Palaro

Lady Altas mapapalaban agad sa Red Lioness

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Lady Altas mapapalaban agad sa Red Lioness
Muling babandera si Lourdes Clemente sa kampanya ng Lady Altas ngayong Season 94.
Jun Mendoza/File

MANILA, Philippines — Sisimulan ng University of Perpetual Help Lady Altas ang kanilang asam sa titulo sa pagharap kontra sa San Beda Red Lioness sa pagbubukas ng Season 94 NCAA women’s volleyball tournament ngayong Nobyembre 23 sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Nagpahayag ng ma­laking tiwala si UPHSD women’s volleyball coach Macky Carino sa kakayahan ng kanyang koponan na makopo ang titulo sa taong ito.

Pangungunahan ni da­ting La Salle-Taft middle blocker  Lourdes Clemente ang kampanya ng Lady Altas kasama sina team captain Yanca Tripoli at setter Necelle Gual, outside spikers na sina Cindy Imbo, Jhona Rosal, middle blockers Shyra Umandal at rookie Jenney Gaviola na kalilipat lamang mula sa St. Francis of Assisi College at libero Alyssa Sangalang.

Kabilang din sa bagong rosters ng Lady Altas ang mga talented rookies na sina Sandra Dayao na isa ring transferee galing sa FEU-Manila, Janie Padua mula sa Eastern Pangasinan Agriculture College, 18-anyos na si Hannah Suico mula sa Notre Dame-Dadiangas at Charina Scott ng Naic, Cavite.

Ang ibang miyembero ng team ay sina Angielou Castillo, middle blocker Hershey Llorente at libero Jowie Albert Verzosa.

Hangad ngayon ni Carino na lampasan ang kanilang semifinal finish noong nakaraang taon kung saan natalo sila sa SBU Lioness sa cross-over semifinal round sa straight sets. Tumapos sila sa 7-2 win-loss kartada sa elimination round.

Huling inangkin ng Las Piñas-based Lady Altas ang korona sa NCAA noong 2014 matapos ang  back-to-back championships noong 2012 at 2013 sa panahon pa nina Royce Tubino, April Sartin, Jane Diaz at Sandy De Los Santos.

Inihanay ni Carino ang nagdedepensang Arellano Lady Chiefs, CSB Lady Blazers at  SBU Lioness  sa mga mabibigat na mga kalaban para sa titulo sa Season 94 ng NCAA.

Maghaharap ang Lady Altas at ang runner-up noong nakaraang taon na Red Lioness sa alas-2 ng hapon habang ang reigning champion Arellano Lady Chiefs at Jose Rizal University Lady Bombers ay magtatagpo sa alas- 12 ng tanghali.

vuukle comment

SEASON 94 NCAA WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with