^

PSN Palaro

Manila, GenSan umiskor sa MPBL

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas  (Sabado)(Hoops Dome, Cebu)

7 p.m.   Imus  vs  San Juan

9 p.m. Cebu City  vs  Laguna

MANILA, Philippines — Humataw si Chris Bitoon ng career-high 26 puntos at 11 rebounds upang iangat ang Manila Stars sa 76-71 panalo laban sa Quezon City Capitals habang nagwagi naman ang Gen. Santos Warriors kontra sa Rizal Crusaders, 65-58 sa pagpapatuloy ng  2018 Mahar­lika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup noong Miyerkules ng gabi sa JCSGO Seed Dome sa Quezon City.

Bukod kay Bitoon, tumulong din ng 25 puntos, siyam na rebounds at dalawang assists si Reil Cervantes at 13 puntos at dalawang rebounds mula kay Kyles Lao upang masungkit ang kanilang ika-12th panalo sa 14 laro at manatili sa ikalawang puwesto sa Northern Division sa likuran ng nangungunang Bataan Risers (12-1).

Umarangkada ang da­ting St. Clare point-guard na si Bitoon ng 10 puntos sa ika-apat na yugto para makuha ang kalamangan, 73-71 mula sa 16-point deficit, 35-51 sa third period.

Ang QC Capitals na pinangunahan ni Peejay Barua sa kanyang 19 puntos at apat na rebounds ay bumaba sa 3-8 slate para sa pang-12th na puwesto sa Northern group.

Sa iba pang laro, umani si Leomer Losentes ng 26 puntos, tatlong rebounds at apat na assists para palawakin ang standing ng GenSan Warriors sa 6-7 card sa Southern Division.

Tumulong din ng 11 puntos, pitong rebounds, dalawang assists at dalawang steals si John Orbeta upang ibaon ang Rizal Crusaders sa ilalim ng standing sa South group sa 4-11 card.

vuukle comment

2018 MAHAR­LIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE DATU CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with