^

PSN Palaro

Buhay pa ang Ginebra

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Buhay pa ang Ginebra
Nag-agawan sa bola sina Ginebra import Justine Brownlee at Paul Lee ng Magnolia.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Kagaya ng sinabi ni ve­teran forward Joe Devance, hindi basta-basta isusuko ng nagdedepensang Barangay Ginebra ang laban.

Bumalikwas ang Gin Kings mula sa 18-point deficit sa second quarter para patumbahin ang Magnolia Hotshots, 107-103 sa Game Three at makaiwas sa sweep sa kanilang semifinals series ng 2018 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kumolekta si import Justin Brownlee ng 46 points, 19 rebounds at 3 assists.

Nakabawi ang Ginebra mula sa kanilang 98-106 at 97-101 kabiguan sa Games One at Two, ayon sa pagkakasunod, para ilapit sa 1-2 ang kanilang best-of-five semifinals wars ng Magnolia.

Ipinoste ng Hotshots ang 58-40 bentahe bago ang halftime hanggang makatabla ang Gin Kings sa 75-75 mula sa three-point play ni Scottie Thompson sa huling 1:48 minuto ng third period.

Hindi na napigilan ang Ginebra sa pagtatayo ng 11-point advatage, 100-89 sa 5:08 minuto ng final canto galing sa technical free throw ni LA Tenorio para sa pagpapatalsik kay Magnolia coach Chito Victolero matapos batuhin ng bola ang isang referee.

Muling napasakamay ng Hotshots ang 103-101 kalamangan buhat sa three-pointers nina Jio Jalalon at Paul Lee at ratsada ni import Romeo Travis sa hu­ling 53 segundo ng labanan.

Isang putback ni Scottie Thompson at drive ni Tenorio ang muling nag-angat sa Gin Kings sa 105-103 para kumpletuhin ang kanilang pagresbak.

Samantala, pag-aagawan naman ng Alaska at Meralco ang 2-1 lead ngayong alas-7 ng gabi sa Game 3 ng kanilang sari­ling best-of-five semis duel sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Itinabla ng Aces ang kanilang serye sa likod ng mainit na performance ni import  Mike Harris na kumolekta ng 37 points at 19 rebounds habang nagdagdag si guard Simon Enciso ng 23 points na tinampukan ng limang three-point shots para sa pagbangon ng Aces mula sa 92-97 pagkatalo sa Bolts sa Game One.

Sa naturang resbak ay nagtala ang Alaska ng magandang 20-of-21 shooting sa free throw line para tapusin ang sinasakyang franchise best na seven-game winnng streak ng Meralco. 

vuukle comment

2018 PBA GOVERNOR’S CUP

BARANGAY GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with