Standhardinger malakas ang laban para sa BPC
MANILA, Philippines — Pinatunayan ni San Miguel Fil-German rookie Christian Standhardinger ang kanyang pagiging No.1 overall pick.
Pinangunahan ng 6-foot-8 power forward ang statistical race para sa Best Player of the Conference ng 2018 PBA Governors Cup.
Nagposte si Standhardinger ng average na 43.1 statistical point para pangunahan ang lahat ng local players sa scoring at rebounding.
Siya lamang ang tanging player na nagtala ng double-double averages para sa Beermen sa season-ending conference
Kumolekta si Standhardinger ng mga averages na 23.3 points at 13.6 rebounds bukod pa sa kanyang 1.6 assists, 0.9 steal at 0.6 block.
Pumapangalawa naman kay Standhardinger si Barangay Ginebra center/forward Japeth Aguilar sa kanyang 34.8 SPs mula sa mga averages na 19.9 points, 6/9 rebounds, 1.8 assists, 1.0 block at 0.5 steal.
Ang iba pang nasa Top Five ay sina Chris Banchero (34.2), ng Alaska, Stanley Pringle (34.0) ng NorthPort at Calvin Abueva (31.9) ng Phoenix.
Nangunguna si Banchero sa assists mula sa kanyang average na 8.7 habang si Anthony ang bumabandera sa steals (2.25).
Sa Best Import derby, nasa unahan si Mike Harris ng Alaska sa kanyang average na 60.4 SPs sa itaas nina Justin Brownlee (59.1) ng Ginebra at Eugene Phelps (58.0) ng Phoenix.
- Latest