^

PSN Palaro

Phoenix pumuwesto sa No. 2

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Phoenix pumuwesto sa No. 2
Ang pang-walong pa­nalo ng Phoenix sa 11 laban ang nagbigay sa kanila ng No. 2 ticket habang nalaglag naman ang Blackwater (7-4) sa No. 5 katapat ang No. 4 Magnolia (8-3).
www.facebook.com/pbaofficial

MANILA, Philippines — Hindi na pinakawalan ng Phoenix ang pagkaka­taong makamit ang No. 2 berth sa quarterfinal round.

Nakahugot ng pinagsamang 48 points kina Calvin Abueva at Matthew Wright, pinatumba ng Fuel Masters ang Blackwater Elite, 97-91 sa pagtatapos ng elimination round ng 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang pang-walong pa­nalo ng Phoenix sa 11 laban ang nagbigay sa kanila ng No. 2 ticket habang nalaglag naman ang Blackwater (7-4) sa No. 5 katapat ang No. 4 Magnolia (8-3).

Awtomatikong nasambot ng nagdedepensang Ginebra Gin Kings (8-2) ang No. 1 berth dahil sa tagumpay ng Fuel Masters anuman ang maging resulta ng kanilang laban sa TNT Katropang Texters (4-6) kagabi.

Sa quarterfinals ay magbibitbit ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ng ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkakasunod.

“This is a big win for us because this is a game before the playoffs,” sabi ni Wright, naglista ng 23 points 7 rebounds at 5 assists at nagbigay sa Phoenix ng 95-89 abante sa huling 41.5 segundo sa fourth quarter matapos ilapit ni Paul Zamar ang Blackwater sa 89-93.

Matapos ang basket ni import Henry Walker para muling ilapit ang Elite sa 91-95 agwat sa huling 35.7 segundo ay isinalpak naman ni Abueva ang dalawa niyang free throws para sa 97-91 bentahe ng Fuel Masters sa natitirang 10.5 segundo.

Nagdagdag si import Eugene Phelps ng 16 points at 19 boards para sa Phoenix  habang may 11 markers si point guard LA Revilla.

vuukle comment

2018 PBA GOVERNOR’S CUP

PHOENIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with