Pacquiao-Haymon nagsanib-puwersa
MANILA, Philippines — Opisyal nang inihayag kahapon ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang nauna niyang pagpirma sa Premier Boxing Champions ni Al Haymon.
Ang pagsagupa kay Adrien Broner ang inaasahang magiging unang laban ni Pacquiao sa boxing promotions ni Haymon, ang adviser ni Floyd Mayweather Jr.
“I’m very excited about this new chapter in my career and I’m looking forward to a fresh start,” wika ni Pacquiao sa isang statement. “I’m reinvigorated by the prospects of bringing up new fighters under the MP Promotions banner.
Idinagdag pa ng Senador na lalabanan niya ang mga bigating boksingero ng PBC bago niya tuluyang isabit ang kanyang boxing gloves.
“My team will work closely with Al Haymon for the remainder of my career to deliver the most anticipated fights with the top PBC fighters. Those are the fights the fans want to see and the ones I want to have to close out my career,” ani Pacquiao, itinayo ang sariling MP Promotions.
Nakatakda ang upakan nina Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) at Broner (33-3-1, 24 KOs) sa Enero 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Itataya ng 39-anyos na si Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Association welterweight crown laban sa 29-anyos na si Broner, dating world four-division titlist.
Bukod kay Broner, nasa kampo rin ng PBC sina welterweight kings Keith Thurman (28-0-0, 22 KOs), Shawn Porter (29–2–1, 17 KOs) at Errol Spence Jr. (24–0–0, 21 KOs).
Matapos si Broner ay inaasahang muling haharapin ni Pacquiao ang 41-anyos na si Mayweather (50-0, 27 KOs) para sa isang rematch.
- Latest