^

PSN Palaro

Blue Eagles gustong masolo ang liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Blue Eagles gustong masolo ang liderato
Asam ng nagdedepensang Blue Eagles ang mu­ling pag-akyat sa solo top spot sa pagtatagpo nila ng Red Warriors sa alas-2 ng hapon at susundan agad ng laban sa pagitan ng Tamaraws (5-4) at Fighting Maroons (4-5) sa alas-4 ng hapon.
Joey Mendoza

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. ADMU vs UE (M)

4 p.m.  UP vs FEU  (M)

MANILA, Philippines — Inaasahan ang pag­ha­taw ni rookie Angelo Kouame sa muling pag­harap ng Ateneo sa UE  habang asam ng FEU ang solo third spot sa pagtatagpo kontra sa UP ngayon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Asam ng nagdedepensang Blue Eagles ang mu­ling pag-akyat sa solo top spot sa pagtatagpo nila ng Red Warriors sa alas-2 ng hapon at susundan agad  ng laban sa pagitan ng  Tamaraws (5-4) at Fighting Maroons (4-5) sa alas-4 ng hapon.

Ang Ivorian student-athlete na si Kouame ay humataw ng 33 puntos at 27 rebounds sa 82-62 panalo ng Blue Eagles kontra sa FEU noong Sabado lamang kung saan nagtala rin si Anton Asistio ng 15 puntos at tatlong assists para makisosyo sa liderato kasama ang Adamson Soaring Falcons (7-2).

Hindi ininda ng Blue Eagles ang pagkawala nina Thirdy Ravena dahil sa one-game suspension at ang injured na Nieto twins na sina Matt at Mike dahil sapat na ang double-digits production nina 6’10 Kouame at Asistio upang makaganti sa kanilang 60-63 talo sa FEU sa first round ng elims noong Oct. 10.

Sa  33-27 tally ni Koua­me, muling nagpasiklab ang UAAP ng 30-20 game sa unang pagkakataon simula noong 2008 mula kay Rabeh Al-Hussaini na nagtala ng 33 puntos at 20 rebounds sa talo ng Ateneo sa Tamaraws mahigit sampung taon na ang nakalipas.

“We’re very happy with his development and we’d like to think of it that he’ll still continue to improve.  That’s the mentality of coach Tab (Baldwin) - kung anong ta­lents  niya, he will continue to improve it and he will continue teaching,” sabi ni Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga.

Paborito ang Ateneo  sa UE  na kanila ring tinambakan, 89-62 noong Sept. 26 habang nagwagi naman ang FEU kontra sa UP,  89-73 sa first round ng elims noong Sept. 23.

vuukle comment

SEASON 81 UAAP MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with