^

PSN Palaro

Phoenix magtatangka uli sa bonus

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Phoenix magtatangka uli sa bonus
Lalabanan ng Fuel Masters ang nanganganib na Rain or Shine Elasto Painters ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang upakan ng San Miguel Beermen at NorthPort Batang Pier sa alas-7 ng gabi sa 2018 PBA Go­vernor's Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Joven Cagande/File

Laro Ngayon(Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. Rain or Shinevs Phoenix

7 p.m. San Miguel vs NorthPort

MANILA, Philippines — Susubukan muli ng Phoenix na makalapit sa isang 'twice-to-beat' incentive habang magpapa­lakas ng kanilang tsansa sa quarterfinals ang tatlo pang koponan.

Lalabanan ng Fuel Masters ang nanganganib na Rain or Shine Elasto Painters ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang upakan ng San Miguel Beermen at NorthPort Batang Pier sa alas-7 ng gabi sa 2018 PBA Go­vernor's Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nadiskaril ang hangarin ng Phoenix na makalapit sa insentibo sa eight-team quarterfinals cast matapos yumukod sa San Miguel, 100-117  noong nakaraang Biyernes sa MOA  Arena sa Pasay City.

Sa nasabing laro nang­­yari ang sinasabing 'pa-nanakal' ni Beermen im­port Kevin Murphy kay Fuel Masters small forward Calvin Abueva.

Kasalukuyang magkakasosyo sa liderato ang Magnolia, nagdedepensang Barangay Ginebra at Alaska sa kanilang 7-2 record kasunod ang Blackwater (6-3), Phoenix (6-3), San Miguel (4-4), TNT Katropa (4-5), NLEX (4-5), Meralco (4-6), Rain or Shine (2-6), NorthPort (2-7) at Columbian (1-9).

Nakalasap naman ang Elasto Painters ng 84-100 pagkatalo sa Dyip para sa kanilang ikalawang dikit na kamalasan.

Sa ikalawang laro, pala­lakasin din ng Beermen ang kanilang pag-asa para sa insentibo sa pagharap sa Batang Pier.

vuukle comment

2018 PBA GO­VERNOR'S CUP

PHOENIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with