Alaska may misyon
Laro Ngayon(Cuneta Astrodome)
4:30 p.m. Alaska vs Columbian
7 p.m. Rain or Shine vs NorthPort
MANILA, Philippines — Inamin ni Alaska coach Alex Compton na wala siyang ibang inisip kundi ang makapasok sa Top Four.
“We like to be married into those top four spots,” sabi ni Compton sa pagsagupa ng Aces laban sa Columbian Dyip ngayong alas-4:30 ng hapon sa 2018 PBA Governor’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Bakit nga ba hindi pupuntiryahin ni Compton ang Top Four.
Sa tournament format, ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ incentive laban sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals.
Nagmula ang Alaska sa 73-83 pagkatalo sa Magnolia noong Linggo, habang hangad ng Columbian na mailista ang kauna-unahan nilang panalo sa torneo.
Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay hangad naman ng NorthPort ang kanilang ikatlong sunod na ratsada sa pagsagupa sa Rain or Shine.
“We are learning how to execute and find the open guy. It’s been working in the last two games. Hopefully, it carries through,” sabi ni veteran forward Sean Anthony matapos ang 99-94 panalo ng Batang Pier kontra sa Meralco Bolts at 118-101 tagumpay kontra sa Dyip sa huli nilang dalawang laro.
Samantala, pinatawan ng PBA sina Kevin Murphy (P5,000) ng San Miguel dahil sa flagrant foul penalty 1 kay Calvin Abueva ng Phoenix at Henry Walker (P21,600) ng Blackwater sa paghahagis ng kanyang mouth guard kay referee Niño Cortez at technical foul.
- Latest