CSB Blazers pinulbos ang JRU Heavy Bombers
Laro Bukas (Filoil Flying V Centre, San Juan City)
2 p.m.- LPU vs SBU (jrs)
4 p.m.- LPU vs SBU (srs)
MANILA, Philippines — Nakabalik sa porma ang College of Saint Benilde matapos pulbusin ang Jose Rizal University, 94-68, para makalapit sa magarbong pagtatapos sa kanilang kampanya sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Pinutol ng Blazers ang three-game losing skid para sumulong sa 9-8 baraha, habang may 3-15 marka ang Heavy Bombers.
“We started out slow this game but we were able to pick it up in the second. I’ve been telling them that whatever happens, we should end up with a win. We have two more games (including the JRU game) and we are hoping to win those games,” sabi ni St. Benilde coach TY Tang.
Nanguna si Yankie Haruna nang umani ng 18 points, habang umiskor si Clement Leutcheu ng 17 markers kabilang ang siyam sa final canto bukod pa sa kanyang 19 boards.
Sibak na ang Blazers sa Final Four, ngunit may tsansa pa silang makapasok kung mapapatunayang may nilabag ang University of Perpetual Help System Dalta (11-6) dahil sa paglalaro ng apat na manlalaro nito sa commercial league.
Sa ikalawang laro, tinalo ng Mapua Cardinals (6-12) ang Arellano Chiefs (5-12) mula sa kanilang 91-78 tagumpay.
- Latest