Knights pinatibay ang kapit sa No. 3
Laro sa Martes(Filoil Flying V Centre, San Juan City)
10 a.m.- CSB vs JRU (jrs)
12 nn. AU vs MU (jrs)
2 p.m. CSB vs JRU (srs)
4 p.m. AU vs MU (srs)
MANILA, Philippines — Naitarak ng Colegio de San Juan de Letran ang pagresbak sa University of Perpetual Help System Dalta matapos iselyo ang 82-80 desisyon kahapon sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Nagtulong sina Bong Quinto at JP Calvo para pamunuan ang Knights na makabawi sa kanilang 75-78 kabiguan sa Altas sa first round noong Hulyo 13.
“Sabi ko sa sarili ko na babawian namin ‘yung mga tumalo sa amin sa first round,” wika ni Quinto.
Humakot si Quinto ng 22 puntos, 9 rebounds, 5 assists at 2 steals, habang nagtala si Calvo ng 17 markers, 7 assists at 5 boards.
Nag-ambag naman ng 11 puntos si Larry Muyang, samantalang may tig-walo sina Jeo Ambohot at Bonbon Batiller.
Umangat ang Letran sa 13-4 para patatagin ang kapit sa No. 3, habang nalaglag ang baraha ng Perpetual Help sa 11-6.
Bumandera para sa Altas si Rey Peralta na umani ng 17 points.
Sa ikalawang laro, tinalo ng San Sebastian ang Mapua Cardinals, 86-64, para sa kanilang 5-12 marka.
- Latest