^

PSN Palaro

Melindo bigong agawin ang titulo kay Shiro

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Melindo bigong agawin ang titulo kay Shiro
Binigo ni Shiro si Melindo via seventh-round TKO para sa kanyang ika­apat na sunod na pagdedepensa sa hawak na World Bo­xing Council light flyweight crown noong Linggo ng ga­­bi sa Yokohama Arena sa Japan.
File

MANILA, Philippines — Ginamit ni Japanese  light flyweight titlist Ken Shi­ro ang kanyang diskarte para talunin si Filipino challenger Milan Melindo.

Binigo ni Shiro si Melindo via seventh-round TKO para sa kanyang ika­apat na sunod na pagdedepensa sa hawak na World Bo­xing Council light flyweight crown noong Linggo ng ga­­bi sa Yokohama Arena sa Japan.

Ito ang unang pagkaka­taon na hindi natapos ni Melindo ang laban sa kanyang 13-year professional career.

Hangad sana ng tubong Cagayan De Oro City na makamit ang kanyang ikalawang world boxing title.

Una niyang nakuha ang International Boxing Fe­deration light flyweight title via first-round KO victo­ry laban kay Japanese Akira Yaegashi noong Mayo ng 2017.

Naisuko ni Melindo ang IBF crown kay Japanese WBA title-holder Ryoichi Ta­guchi via unanimous de­cision sa kanilang unifica­tion match sa bisperas ng Ba­gong Taon.

Naging bentahe ni Shi­ro (14-0-0, 8 KOs) ang mahahaba niyang ga­lamay pa­ra talunin si Me­lindo (37-4-0, 13 KOs).

Isinandal ng 26-anyos na si Shiro ang 30-anyos na si Melindo sa lubid mula sa kanyang mabigat na right hand sa gitna ng se­venth round.

Pinuntirya ng Japanese ang kaliwang mata ni Melindo na nakita na niyang pu­mutok at dumudugo ba­go pansamantalang ihinto ng ringside physician ang laban.

Iniutos ng ringside physician kay referee Laurence Cole na itigil ang nasabing laban sa 2:47 minuto ng se­venth round dahil sa su­gat sa kaliwang mata ni Me­lindo.

vuukle comment

KEN SHI­RO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with